" Ang epekto ng Internet o Social Media sa mga mag-aaral"
Kabilang na dito ang pagbabago sa pananaw ng mga studyante sa mga bagay ng produkto ng makabagong teknolohiya, mga kanahiligang mga larong online, maging ang paraan ng kanilang pakikisalamuha sa kapwa. Masasabing mas mahabang oras ang inilalaan ng mga studyante sa ngayon ang pumuntang computer shop para buksan ang kanilang account, maglaro ng online games, kaysa sa pagbisita ng silid-aklatan at igugol ang bakanteng oras para mabasa ang mga aklat at mag-aral. Kadalasan naman, nawawala na nang ganang makinig sa itinuturo ng mga guro dahil kahit sa oras ng talakayan sa hawak-hawak pa rin ang cellphone at patuloy sa pagbisita sa kanilang account sa iba't ibang sites, alam na nila ang tinuturo kaya at hindi makuha-kuha ang atensyon ng mga estudyante. Ayon sa pag-aaral ang mga guro ay may malaking papel sa ginagampanan sa paghubog ng kagandahang-asal ng mga estudyante. Subalit sa pamamagitan ng social media na produkto ng makabagong teknolohiya, Kay gulo ng takbo ng kanilang pag-iisip sa larangan ng kanilang pag-aaral.