Monday, October 16, 2017


" Ang epekto ng Internet o Social Media sa mga mag-aaral"

Sa bawat henerasyon na makabagong teknolohiya ay maraming kahalagahan ang naiaambag nito sa ating pamumuhay sa pang araw-araw. Hindi makipagkakaila na ang mga Social networking sites ay isa sa maging produkto ng makabagong panahon. Napapabilis nito ang ang komumikasyon.Ang komunikasyon ay isang makabuluhang kasangkapan upang maangkin ng bawat nilika ang kakayahang maipaliwang nang buong linawang kanyang iniisip at nadarama. Dito kusang umuusbong ang isang matatag na pagkakaunawaan at relasyon ng mga tao sa isang lipunan. Nagiging bukas ang isipan sa mga pangyayari sa loob at labas ng ating bansa at nagsisilbing libangan ng karamihan. Ngunit sa kabilang dako, nagiging bulag at tayong mga studyante sa maaaring dulot o epekto nito sa ating pag-aaral at pati na rin sa pag uugali. Dahil na rin sa nagaganap na modernisasyon sa ating mundo, marami ang nagbabago.
Kabilang na dito ang pagbabago sa pananaw ng mga studyante sa mga bagay ng produkto ng makabagong teknolohiya, mga kanahiligang mga larong online, maging ang paraan ng kanilang pakikisalamuha sa kapwa. Masasabing mas mahabang oras ang inilalaan ng mga studyante sa ngayon ang pumuntang computer shop para buksan ang kanilang account, maglaro ng online games, kaysa sa pagbisita ng silid-aklatan at igugol ang bakanteng oras para mabasa ang mga aklat at mag-aral. Kadalasan naman, nawawala  na nang ganang makinig sa itinuturo ng mga guro dahil kahit sa oras ng talakayan sa hawak-hawak pa rin ang cellphone at patuloy sa pagbisita sa kanilang account sa iba't ibang sites, alam na nila ang tinuturo kaya at hindi makuha-kuha ang atensyon ng mga estudyante. Ayon sa pag-aaral ang mga guro ay may malaking papel sa ginagampanan sa paghubog ng kagandahang-asal ng mga estudyante. Subalit sa pamamagitan ng social media na produkto ng makabagong teknolohiya, Kay gulo ng takbo ng kanilang pag-iisip sa larangan ng kanilang pag-aaral.

Ipinasa ni: 

Achmad Macarambon

No comments:

Post a Comment

" Ang epekto ng Internet o Social Media sa mga mag-aaral" Sa bawat henerasyon na makabagong teknolohiya ay maraming kahala...